Lunes, Oktubre 17, 2011

WIKANG KINAGISNAN

Matagalnang pangarap ni Elise ang makapunta ng ibang bansa. Syempre, para makatulong sa pamilya at gusto niyang makahalubilo ang mga tao sa ibang bansa. Nag-apply siya ng trabaho sa Canada at natanggap naman siya. Kaya masayang masaya si Elise nung araw na 'yun.
Hinatid na siya ng mga magulang niya sa airport at nagpaalam sa bansang iiwanan. Unang pagkakataon pa lang niyang sumakay ng eroplano kaya medyo naiilang pa siya. Nangangarap ang gising si Elise... "sa wakas!makakarating na rin ako sa Canada!maraming chokolate, maraming amerikano, at marami pang ibang magagandang tanawin at gusali."
Pagkarating niya sa bahay na tutuluyan niya, lumabas agad siya para mamasyal at tignan ang buong paligid. Kinabukasan, pumasok na siya sa trabaho niya. " Magandang umaga po sa inyong lahat!", pabati ni Elise. Ang hindi niya alam, hindi siya naintindihan ng mga tao roo. Bukod sa iilang pilipinong naroon, ay sila lang ang nakaintindi.
"Napakahirap naman pala dito noh? Kailangan mog makipagsabayan sa mga tao dito?", sabi ni Elise sa isang pinoy na kasamahan niya. "Oo. hindi ka makakapagsalita ng Filipino dito, dahil walang makakaintindi sa'yo.", sabi ng ka-officemate niya. " Kaya kailangan mo talagang mag-aral ng Ingles sa ayaw at sa gusto mo.", sabi pa ng isa. "Noong hayskul at kolehiyo nga ako ay hindi ko kayang mag-ingles at ayoko talaga ng asignaturang 'yon", sabi pa ng isa.
"Bakit ganun ano?" kapag tayo naman ang nasa bansa nila, nakikipagsabayan tayo sa wika nila kahit mamilipit na ang dila natin. Pero kapag sila naman ang nasa bansa natin, yung ingles pa rin nila ang nasusunod!Ano to? dayaan?", wika ni Elise. " Oo, ganun talaga we.'yun na ang nasunod.", sabi ng ka-officemate niya.
Dahil 'don, nag-aral na lamang si Elise ng wikang ingles kahit na hirap siya. Pero kahit na nag-aral siya nito, ang wikang Filipino pa rin ang kanyang wika sa puso at sa gawa. Hindi niya tatalikuran ang wikang kanyang minahal at kinalakhan. Dahil ito ang wikang kanyang kinagisnan at ang unang itinuro ng kanyang mga magulan. At syempre, 'di parin maaalis sa kanya ang pagigigng pilipino.

:)

ANG PAGHIHIGANTI NG KALIKASAN !

Taong 2011, kasalukuyang panahon. Ang bayan ng San Juan ay napakaganda. Maganda kung titignan mo, ngunit kung lilibutin mo ito ay daig pa ang dumpsite ang itsura. Iresponsable kasi ang mga mamamayan dito. Tapon dito, tapon doon. Sa magkabilang sulok ng bayan ay may pabrika pa na lumilikha ng napaka-kapal na usok. At hindi uso ang bisikleta rito, puro motor na kahit kakarag-karag na ay ginagamit pa rin. Ang mga bundok ay nakakalbo na at hindi pinapalitan ng mga illegal loggers. Ang mga ilog at iskinita ay barado na ng mga basura. Ano kaya ang kahihinatnan ng bayang ito kung ganto lang 'din naman ang ginagawa nila?
Ang batang si Jake ay naglalaro, kasama ng kaniyang mga kaibigan. Napakasuwail na anak ni Jake. Kapag inuutusan siyang magtapon ng basura ay, sa tabing ilog lamang niya tinatapon. Tamad pa siyang maglinis ng bahay at pati ng kanyang katawan.
Maya-maya ay tinawag na siya ng kanyang inay. "Jake!umuwi ka na at kakain na!maglinis ka na rin ng katawan!", ang bulalas ng kangyang inay. "huh!ayoko maglinis!",pabulong na sinabi ni Jake.Pagkatapos kumain ay nanood muna siya ng telebisyon. Hindi nagtagal, sumunod na rin ang kanyang inay sa kwarto. Mayamaya pa ay...
"Magandang araw po sa inyo!" "narito na ang news balita sa mga oras na ito". "Isang bagyo na naman ang dadating sa ating bansa bukas ng gabi, at ito ay papangalanang... "tinkywinky". Ang bagyong ito ay magtataglay ng napakalakas na hangin at ulan. Mag-ingat po ang lahat sa mga posibleng pagbaha at landslides. Salamat po!"
Kinabukasan, alas sais ng gabi. Dumating na ang napakalakas na bagyo. Sila Jake at ang kanyang inay ay natatakot na sa posibleng pagbaha. Malapit na ring matangay ang kanilang bubong. Kaya't sila ay lumikas na kasama ng iba pa nilang kapitbahay. Ngunit mataas na ang tubig! Hanggang dibdib na ang taas nito. Habang naglalakad sila ay biglang may nagsisilaglagang mga bato at lupa mula sa bundok. Hindi na nila alam ang gagawin! Sinubukan nilang lumubog sa baha upang lumangoy pero, wala silang malanguyan at makita dahil sa dami ng basura. Basura na sa ibabaw ng baha, basura pa rin sa ilalim ng baha!
Pagkatapos ng malagim na unos... Napakaraming namatay sa bayang 'yon. Kasama na rito si Jake at ang kanyang inay, at iba pang mga kapitbahay. Ang mga bahay ay nawala na ng parang mga bula. Naglutangan ang mga basura at ang mga bundok ay gumuho.
..."Inay ko!nasaan ka?tulungan mo 'ko.nalulunod na 'ko sa baha!matatabunan na 'ko ng lupa!ayoko pang mamatay!inay!", hahaha! si Jake pala ay nananaginip lamang. Pagkagising ni Jake, nagmamadali niyang hinanap ang kanyang inay. Sabay kwento ng kanyang napanaginipan. "oh, ano na ngayon ang natutunan mo?Hindi ba't mas mabuting maging responsable tayo sa pagtatapon ng basura at sa lahat ng ating kapaligiran?" "opo inay!ayoko pong mangyari sa atin 'yun!natatakot po ako."
Pagkatapos ng pangyayating iyon, may naisip si Jake na plano. "Alam ko na!" Alam nyo ba kung ano ang plano 'nya? Si Jake ay nagtayo ng isang booth kasama ng kanyang mga kaibigan, kung saan naglalayon itong iligtas ang ating kalikasan. Sumunod 'non, marami pa ang tumulong sa kanya para sa proyektong ito. At simula noon, ay natuto na 'ring maglis ng paligid ang mamamayan ng San Juan. Nagtatapon na sila sa tamang tapunan. Ginawa nila ang mga sirang bisikleta,nagtanim sila ng mga puno sa bundok, at nilinis na rin ang mga iskinita at ilog para 'di magkaroon ng baha.
Napakasaya ng mga tao 'non lalung-lalo na ang ina ni Jake. At syempre si Jake 'din. Pero si Jake ay na-ospital dahil sa sakit na "dengue". Nadapuan siguro siya nito nung sila ay naglilinis. Kaya naman, natuto na rin si Jake na maglis ng bahay at katawan. Haha! Malaking pagbabago 'yun para sa kanya. Nakalabas 'din naman siya ng ospital matapos gumaling.


Kalikasan ay ating ingatan upang tayo'y hindi niya gantihan!

THE END! :)

Sabado, Oktubre 15, 2011

"WISHLIST": Ang kuwento ng pag-ibig nina Carl at Yanni

Ako si Yanni, isang simpleng babae. Isang araw sa Luneta, nang nawala ko ang wallet ko. Nanghihinayang ako dahil, pambayad ko 'yon sa matrikula ko, at siguradong malalagot ako nito sa mga magulang ko. Bumalik ako sa lugar kung 'san ako galing. Nakabangga pa 'ko ng lalaki...
Ako si Carl, sabi nila cute daw ako. :) Isang araw sa Luneta, nang isinama ako ng pinsan ko sa paaralan nila. Hindi ako pwedeng pumasok, kaya naghintay na lang ako sa simbahan. Nakakita ako ng wallet. Gusto ko itong dalhin sa Lost and Found pero, nagmamadali na ang pinsan ko.Sa sobrang pagmamadali namin, nakabangga pa 'ko ng babae...
"Wala na pala akong pera!" "'pano ko makakauwi nyan?" Nakita ko ang wallet na napulot ko at nabuhayan ako na loob dahil may narinig akong barya... Nakauwi ako ng bahay dahil sa wallet na'to.Salamat.
May nakita siyang maliit na papel. "Yanni's Wishlist".
Isang araw sa Luneta pa rin, may nakita akong babae, tinitigan ko ang litrato at kamukhang-kamukha niya. "Ikaw ba si Yanni Mendoza?". "oo ako nga 'yon bakit?". "sayo 'ata 'tong wallet". Nagulat si Yanni! nagpasalamat siya kay Carl.
Mula noon, naging malapit na sa isa't isa sina Carl at Yanni...
"Yanni's Wishlist#1"
Makita ko si soulmate na nakasuot ng t-shirt na Spongebob.
Nakita ko si Carl sa may labas ng eskwelahan namin, at nagulat ako sa nakita ko... "Spongebob". 'yun ang suot ni Carl.:)
Pagkatapos ng isang linggo, matagal din kaming 'di nagkita ni Carl. Sakto naman na pagkakita ko sa kanya ay nakasuot siya ng Color blue! "'yun ang #2 wishlist ko!"
"Wishlist #3", Maglabas ng kulay green na payong si soulmate...
Pauwi na 'ko, nang biglang umulan nang malakas. Nakita ako ni Carl."Pauwi ka na ba Yanni?""sabay na tayo." Naglabas ng payong si Carl..."sana green,sana green." Pero kulay asul ang nilabas niyang payong. Pero nasira ito kaya bumili na lang siya ng bago."sana green,sana green." Nalungkot ako. Yellow ang binili niya. :(
Pag-uwi ko sa bahay nagtanung ang kapatid ko " ate, anung kulay ang mabubuo kapag pinagsama ang blue at yellow?" Napaisip ako. blue + yellow = green. :)
Tatlong senyales na ang natutupad. dalawa na lang... Siya na kaya ang lalaki para sa'kin?
Christmas Party namin 'non. Nagulat ako nang nagbigay ng regalo si Carl. "Yanni, para sa'yo." Binuksan ko to, "angel". Gosh! wishlist#4, makakita ako ng anghel ngayong pasko. :)
Apat na senyales na ang natutupad. Siya na kaya talaga?
Bakasyon na! Nagtaka ako 'di ko na nakikita si Carl. Hanggang sa makita ko siya na may kasamang ibang babae. Ipinakilala niya 'yon sakin. "Hi I'm Jean".
Nagkakwentuhan kami ni Jean nang biglang iniba niya ang tapik. " Alam mo ba, pinaglalaruan ka lang ni Carl. "'Yung mga senyales na nakalista sa maliit na papel, alam niyang lahat 'yun dahil kinuha nya sa wallet mo." Napahinto ako... Hindi ko alam kung magagalit ba 'ko o ano.:( Hinabol ako ni Carl, pero nakasakay agad ako ng taxi..

Haaayyy... Hindi siguro talaga siya ang soulmate ko. Pero mahirap kalimutan si Carl. Minahal ko na siya.
Isang gabi, habang malakas ang ulan.May narinig akong nanghaharana sa labas. Nakakainggit naman sila, pahara-harana pa. Pero... Si Yanni pala ang hinaharana!
"Si Carl!" :D Basang-basa!
Nagsalita siya... "Yanni , Sorry na. Kung lahat man ng 'yon ay kasinungalingan, isa lang ang totoo, Mahal kita. Mahal mo 'rin ako 'di ba?
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko 'non. Basta ang alam ko, mahal ko si Carl. "Oo. Mahal 'din kita Carl. Wala na akong naaalala pa na kahit ano, basta ang alam ko, mahal kita!"
'Yon! Simula 'non, masaya na kami ni Carl at itinigil ko na rin ang paggawa ng listahan ng mga senyales. Kontento na ko sa kanya.


Ako si Carl. Kahit na... napakalaki ng kasalanan ko kay Yanni, pinagbigyan pa rin niya ko sa pangalawang pagkakataon. Napakasaya ko 'nung araw na naging kami. :) Ayoko na siyang mawala pa sa buhay ko.


Ako si Yanni. Ang-saya saya ko talaga. Kami na ni Carl! Sa wakas, nahanap ko na rin ang soulmate ko. Pero kahit na ganun ang nangyari sa wishlist ko, masaya pa 'rin ako sa kinalabasan nito. Ang hindi alam ni Carl, may isa pa 'kong wishlist na natitira, na walang nakakaalam... Hindi 'rin 'to nakalista sa napulot niya...

Wishlist#5: "Manghaharana si soulmate sa kalagitnaan ng malakas na ulan!" :D

Natawa 'ko kasi, hindi na niya alam 'to, at... isa pa, hindi rin pinaplano ang ulan.
Kaya, para sa'kin, natupad pa 'rin ang wish ko.

THE END! :)

ANG AKING KARANASAN SA NAGDAANG BAGYO: PEDRING AT QUIEL

Oktubre 27, 2001, isang napakalakas na bagyo ang dumaan sa bansang Pilipinas. Napakalaki ng sakop at napakabilis. Halos buong Luzon ay hinagupit ng bagyong ito na kinahinatnan ng maraming nasalanta, nasugatan, at namatay.
Sa bahay namin sa Bustos, Bulacan, aakalain mong nasa amin na ang mata ng bagyo. Ang paghampas at pag-ihip ng hangin ay nakakatakot. Para bang tatangayin na ang bubong ng bahay namin. Ang mga puno ay nagtumbahan at hindi na mapapakinabangan. Ang mga tamin naming palay ay nagsidapaan na at halos kalahati na lang ang pakikinabangan. Ang bubungan nga ng kural ng baka namin ay nilipad at hindi na namin alam kung saan napadpad. Ang mga kwarto namin ay pinasok ng tubig dahil sa malakas na pag-ulan. Nagtataka nga ako, kung bakit 'di nawawalan ng kuryente sa amin. Pero buti na nga lang at hindi nawalan, dahil 'pag nagkataon ay pahirapan na ng paghagilap ng tubig. Si Pedring na ata ang pinakamalakas na bagyo na dumaan sa amin, mas malakas pa sa Ondoy noong 2007.
Ang tanging ginagawa ko na lang 'yata noon oras-oras ay magdasal. Ligtas naman kami sa aming lugar. Pero 'di pa 'rin maiiwasan ang mag-alala. Marami sa aming kamag-anak ay binaha. Lalo na ang lola ko sa Calumpit, Bulacan. Alam mo yung pakiramdam na nanghihingi na sila ng tulong dahil wala na silang makain ay matulugan?
Sa nagdaang si Quiel naman, hindi naman kami masyadong natamaan at naapektuhan nito. Kaya wala akong maikukwento tungkol dito. :)
Sa panahon ngayon, hindi na natin alam ang banta ng kalikasan. Kaya maging handa na lamang tayo at huwag kalimutang magdasal.

ANG ALAMAT NG "MOUSE"

Noong unang panahon, may isang komunidad ng mga daga sa isang maliit na baryo. Araw-araw silang nagtatrabaho. Kapag tag-araw, sila ay nag-iipon ng mga pagkain para sa tag-ulan ay hindi na sila mahirapan pa na maghanap nito. Napakasisipag nila, maliban sa isang daga, si Dody. Napakatamad ni Dody. Wala siyang kasintamad. Tamad pa siya kay Juan Tamad. Hindi siya tumutulong sa pagtatrabaho sa kanilang baryo. Buong araw na lang siyang nakahilata sa kanyang bahay. Kulang na nga lang ay makuba na siya sa kahihiga.
Dumating ang panahon ng tag-ulan. Napakalakas ng bagyong dumating sa baryo. Kaya't kinailangang lumikas ng mga residente roon, pati na rin sila Dody, kundi ay aabutan sila ng malaking baha. Inaaya na ng kanyang mga kasamahan si Dody, ngunit ayaw nitong sumama. Sabi pa niya, "Ayokong sumama sa inyo, dito lang ako sa bahay ko at matutulog!" Kahit anung pilit ang gawin nila, hindi nila mapasama si Dody, kaya hinayaan na lamang nila ito.
Ang baha ay rumaragasa na... Ngunit wala pa ring kamalay-malay si Dody sa mga nangyayari. Halos abutin na siya ng tubig. Nang biglang may lumitaw na isang nagliliwag na babae, at iniligtas siya sa kapahamakan. Dinala si Dody sa isang ligtas na lugar. Nunit... sabi ni Dody, " Anu ba?" " Bakit mo 'ko inistorbo sa aking pagkakahimbing?". " Ngunit kailangan mo ng tulong kanina nang rumaragasa ang malaking baha sa iyong bahay!", ang sabi ng diwata. " Hindi ko naman hiningi ang tulong mo, kaya ko ang sarili ko.", sabi ni Dody. Hindi nagustuhan ng diwata ang ugali nito kaya't isinumpa ng diwata si Dody. " Dahil sa ugali mo, paparusahan kita." " Gagawin kitang isang kagamitan na magtatrabaho buong araw at magdamag, ihuhugis kita na parang kuba para ika'y magtanda, at hahabaan ko rin ang buntot mo na magsisilbing tali upang 'di ka makawala!"
Mula noon, nagkaroon na ng "Mouse". Isang kagamitang magtatrabaho sa isang makina, hugis kuba, mahaba ang buntot, at magsisilibing napakahalagang gamit ng makabagong teknolohiya.

THE END! :)

ANG AKING TALAMBUHAY

Ako si Benneth dela Cruz. Labing anim na taong gulang. Ipinanganak noong Nobyembre 12, 1994. Ako ay nakatira sa sa Barangay ng Camachilihan, Lungsod ng Bustos, Lalawigan ng Bulacan. Pangatlong anak nina Mr. at Mrs. Sesinando at Evelyn dela Cruz. Apat kaming magkakapatid.
Nag-aral ako ng Kindergarten taong 2001-2002 sa Mababang Paaralan ng Camachilihan, at nalagay ako sa ikawalong pwesto. Taong 2002-2007, nag-aral ako ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Camachilihan. Nagtapos ako ng ikaanim na baitang na mayroong karangalan, ako ay unang karangalang banggit. Nag-aral naman ako ng hayskul taong 2007-2011 sa Mataas na Paaralan ng Alexix Santos. At ngayon, ako ay isang kolehiyo na, nasa unang antas pa lamang, at mahaba pa ang lalakbayin. Ang tanging hangad ko lamang ay matupad ang aking mga pangarap at maiahon ang aking pamilya sa hirap.