Oktubre 27, 2001, isang napakalakas na bagyo ang dumaan sa bansang Pilipinas. Napakalaki ng sakop at napakabilis. Halos buong Luzon ay hinagupit ng bagyong ito na kinahinatnan ng maraming nasalanta, nasugatan, at namatay.
Sa bahay namin sa Bustos, Bulacan, aakalain mong nasa amin na ang mata ng bagyo. Ang paghampas at pag-ihip ng hangin ay nakakatakot. Para bang tatangayin na ang bubong ng bahay namin. Ang mga puno ay nagtumbahan at hindi na mapapakinabangan. Ang mga tamin naming palay ay nagsidapaan na at halos kalahati na lang ang pakikinabangan. Ang bubungan nga ng kural ng baka namin ay nilipad at hindi na namin alam kung saan napadpad. Ang mga kwarto namin ay pinasok ng tubig dahil sa malakas na pag-ulan. Nagtataka nga ako, kung bakit 'di nawawalan ng kuryente sa amin. Pero buti na nga lang at hindi nawalan, dahil 'pag nagkataon ay pahirapan na ng paghagilap ng tubig. Si Pedring na ata ang pinakamalakas na bagyo na dumaan sa amin, mas malakas pa sa Ondoy noong 2007.
Ang tanging ginagawa ko na lang 'yata noon oras-oras ay magdasal. Ligtas naman kami sa aming lugar. Pero 'di pa 'rin maiiwasan ang mag-alala. Marami sa aming kamag-anak ay binaha. Lalo na ang lola ko sa Calumpit, Bulacan. Alam mo yung pakiramdam na nanghihingi na sila ng tulong dahil wala na silang makain ay matulugan?
Sa nagdaang si Quiel naman, hindi naman kami masyadong natamaan at naapektuhan nito. Kaya wala akong maikukwento tungkol dito. :)
Sa panahon ngayon, hindi na natin alam ang banta ng kalikasan. Kaya maging handa na lamang tayo at huwag kalimutang magdasal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento