Noong unang panahon, may isang komunidad ng mga daga sa isang maliit na baryo. Araw-araw silang nagtatrabaho. Kapag tag-araw, sila ay nag-iipon ng mga pagkain para sa tag-ulan ay hindi na sila mahirapan pa na maghanap nito. Napakasisipag nila, maliban sa isang daga, si Dody. Napakatamad ni Dody. Wala siyang kasintamad. Tamad pa siya kay Juan Tamad. Hindi siya tumutulong sa pagtatrabaho sa kanilang baryo. Buong araw na lang siyang nakahilata sa kanyang bahay. Kulang na nga lang ay makuba na siya sa kahihiga.
Dumating ang panahon ng tag-ulan. Napakalakas ng bagyong dumating sa baryo. Kaya't kinailangang lumikas ng mga residente roon, pati na rin sila Dody, kundi ay aabutan sila ng malaking baha. Inaaya na ng kanyang mga kasamahan si Dody, ngunit ayaw nitong sumama. Sabi pa niya, "Ayokong sumama sa inyo, dito lang ako sa bahay ko at matutulog!" Kahit anung pilit ang gawin nila, hindi nila mapasama si Dody, kaya hinayaan na lamang nila ito.
Ang baha ay rumaragasa na... Ngunit wala pa ring kamalay-malay si Dody sa mga nangyayari. Halos abutin na siya ng tubig. Nang biglang may lumitaw na isang nagliliwag na babae, at iniligtas siya sa kapahamakan. Dinala si Dody sa isang ligtas na lugar. Nunit... sabi ni Dody, " Anu ba?" " Bakit mo 'ko inistorbo sa aking pagkakahimbing?". " Ngunit kailangan mo ng tulong kanina nang rumaragasa ang malaking baha sa iyong bahay!", ang sabi ng diwata. " Hindi ko naman hiningi ang tulong mo, kaya ko ang sarili ko.", sabi ni Dody. Hindi nagustuhan ng diwata ang ugali nito kaya't isinumpa ng diwata si Dody. " Dahil sa ugali mo, paparusahan kita." " Gagawin kitang isang kagamitan na magtatrabaho buong araw at magdamag, ihuhugis kita na parang kuba para ika'y magtanda, at hahabaan ko rin ang buntot mo na magsisilbing tali upang 'di ka makawala!"
Mula noon, nagkaroon na ng "Mouse". Isang kagamitang magtatrabaho sa isang makina, hugis kuba, mahaba ang buntot, at magsisilibing napakahalagang gamit ng makabagong teknolohiya.
THE END! :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento